kabi-kabilang hingian ng write-ups para sa yearbook (sheeez, sa Wednesday na ang deadline!). pag-iisip ng creative shot para sa grad pic. pag-aaply ng grad status. panghihingi ng student records evaluation sa admin. pagsisimulang gumawa ng thesis (shoot, wala pa akong nauumpisahan!). pamumroblema sa sablay at Filipiniana (well, para sa iba). at kung anu-ano pang may kinalaman sa graduation. grabe lang, sumasabay sa pressure ng acads ang pressure na dapat nang i-accomplish ang mga bagay-bagay na dapat asikasuhin bago grumaduate. o_O
kanina, on the way sa mga possible FR/sem-ender venues, napag-usapan namin nina Kenneth at Chinkee ang yearbook write-up at creative pic. hanggang sa na-realize namin na, grabe, matatapos na ang lahat! sabi nga ni Kenneth, ang tatanda na talaga namin (nagbibilang na rin kung ilang PAFT FRs na rin ang napuntahan, hahaha) at etong grad thingies na ang pinuproblema namin. sabi naman ni Chinkee, kung noon excited kaming makapasok sa UP, ngayon naman excited na kaming lumabas. haha, totoo nga naman. :))
ang hirap din kasing sabay na problemahin ang yearbook at grad pics saka ang iba pang natitirang acad stuff na dapat ding problemahin. silang dalawa kanina, *so far* FN 15 paper ang pinuproblema. ako, yung exam ko sa Math 54 bukas, group presentation sa Geol 1, exam sa Soc Sci 3 sa Wednesday. at siyempre, pare-pareho naming pinuproblema ang thesis. ang hirap lang na sa ngayon, mas napi-pressure pa kami sa write-up at grad pic kaysa sa "ticket" namin patungo sa graduation, ang thesis. rawr.
sa mga sitwasyong ganito, hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa mga HS classmates ko. wala na silang problema sa kanilang mga theses, na puro by group naman ang paggawa. ang iba, may trabaho na. yung iba, may mga plano pang kumuha ng second degree or graduate studies. naisip ko lang, kung hindi kaya FT yung naging course ko, mamumroblema pa rin kaya ako ng ganito?
mabuti na lang talaga, marami akong karamay sa buhay FT. at least, alam kong hindi ako nag-iisa sa mga ka-chorvahang ito. hehe. :D
No comments:
Post a Comment