Pages

Tuesday, August 24, 2010

stressed.

Grabe lang. Super nase-stress na talaga ako sa mga bagay-bagay. Akala ko naman sa PAFT Week lang ako mase-stress, hindi pala.



Ang dami-dami ko nang dinaramdam. sobrang pressured ako sa mga acad-related stuff at sa mga duties ko as AcadComm Head. May isa pang dumagdag na bad news kanina, at nung matanggap ko yun habang nagaganap ang Executive Committee meeting, dun ako pinaka-nanglumo. Para lang talaga akong naghina. Celina and Chinkee even asked me if I'm ok (nung nalaman nila yung natanggap kong news). Sinabi ko na lang na "oo" kahit na alam ko sa sarili kong di ako ganun ka-okay. Gusto ko nang umiyak kanina, ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko pero naiinis lang ako kasi wala akong naramdamang luha sa mata ko. Feeling ko tuloy ang manhid-manhid ko na or siguro bato na ang puso ko (sorry, parang ang emo na ng dating nito). Hay ewan.

Ang alam ko lang that moment, mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay. Ang bigat, bigat sa pakiramdam. Ngayon nauunawaan ko na rin yung feeling ng iba na ayaw maging attached sa mga tao (yung mga di nila relatives, ganun). :(( 



Good thing, nakakatuwa ag pinaggagagawa ng apps (most notably sina Fred, Kevin, Kyle, Kei, Mabel at ang mga sagot nina Austin, Janelle A., Janelle L., Blessie) kanina sa Day 1 ng Challenge Week. Napatawa nila ako ng husto kahit sobrang ang bigat ng pakiramdam ko.



Pero ngayon, things must go back to normal. Kailangang isantabi muna ang lahat ng nararamdaman para magawa ko in an efficient way yung mga kailangan kong gawin.



P. S. sa mga makakabasa nito, please pray for the soul of my aunt who passed away at around 2PM kanina. Thank you in advance. :)

No comments:

Post a Comment