Pages

Tuesday, August 24, 2010

stressed.

Grabe lang. Super nase-stress na talaga ako sa mga bagay-bagay. Akala ko naman sa PAFT Week lang ako mase-stress, hindi pala.



Ang dami-dami ko nang dinaramdam. sobrang pressured ako sa mga acad-related stuff at sa mga duties ko as AcadComm Head. May isa pang dumagdag na bad news kanina, at nung matanggap ko yun habang nagaganap ang Executive Committee meeting, dun ako pinaka-nanglumo. Para lang talaga akong naghina. Celina and Chinkee even asked me if I'm ok (nung nalaman nila yung natanggap kong news). Sinabi ko na lang na "oo" kahit na alam ko sa sarili kong di ako ganun ka-okay. Gusto ko nang umiyak kanina, ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko pero naiinis lang ako kasi wala akong naramdamang luha sa mata ko. Feeling ko tuloy ang manhid-manhid ko na or siguro bato na ang puso ko (sorry, parang ang emo na ng dating nito). Hay ewan.

Ang alam ko lang that moment, mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay. Ang bigat, bigat sa pakiramdam. Ngayon nauunawaan ko na rin yung feeling ng iba na ayaw maging attached sa mga tao (yung mga di nila relatives, ganun). :(( 



Good thing, nakakatuwa ag pinaggagagawa ng apps (most notably sina Fred, Kevin, Kyle, Kei, Mabel at ang mga sagot nina Austin, Janelle A., Janelle L., Blessie) kanina sa Day 1 ng Challenge Week. Napatawa nila ako ng husto kahit sobrang ang bigat ng pakiramdam ko.



Pero ngayon, things must go back to normal. Kailangang isantabi muna ang lahat ng nararamdaman para magawa ko in an efficient way yung mga kailangan kong gawin.



P. S. sa mga makakabasa nito, please pray for the soul of my aunt who passed away at around 2PM kanina. Thank you in advance. :)

Tuesday, August 17, 2010

hindi ko na nasusunod ang 30-day photo challenge. huhuhu :((

hindi na ako nagkakaroon ng time i-update ang 30-day photo challenge ko kasi ba naman biglang busy-busyhan ako this week (acads, acads, hanggang sa PAFT may kinalaman pa rin sa Acads! oh shoot >.<)

Econ 11.

Math 54.

Geol 1.

ACLE (na nakaka-stress dahil 1 week to go na lang!!).

Food Wiz (isa pang nakaka-stress!).

PAFT Seminar and Interaction.

haaay. lagot lang talaga, wala na akong time sa thesis ko. at dapat nga yun na ang mas i-prioritize ko sa lahat ng acad-related stuff. :(((


at higit sa lahat, wala na akong time sa sarili ko.


haaay. minsan tuloy naiisip ko, sana meron akong power to turn back time (tapos pag nmagkaganoon, di na ako nagka-cram/procrastinate, at siyempre magakakroon ako ng another chance na maibalik yung mga wasted hours ko and use them sa mga makabuluhang gawain). or pwede kong i-edit ang mga pangyayari sa buhay ko. parang MS Word Document lang. itatama ko lang yung mga mali kong actions na ginawa, decisions (lalo na sa acad-related stuff) and words na nasabi ko na.


but hey, enough of the digression. haha. i-update ko muna ang 30-day photo challenge na di ko nasusunod. LOL.

Day 5. A photo of you

emotera pic! haha. the photo's a stolen shot from Mabel, sa last PAFT sem-ender lang din. nakakaloko lang talaga ang itsura ko here, kaya naman nung pinost na ni Mabel ang sem-ender pics (including this one), nakakaloko rin ang mga comments. sabi na nga ba eh. tsk tsk. halos walang pinagkaiba sa isa't isa ang mga comments. at siyempre, may iisang pangalan na namang lumitaw sa mga yun.  RAWR >.<


hahanapin ko pa kung anong picture(s) ang ilalagay ko sa Day 6. haha. :)

 

Friday, August 13, 2010

undecided part 2 :P

hay naku, pati yung para sa Day 4, wala akong maisip ilagay :(( kelan nga ba ako huling nagka-holiday? haha :P eh last year wala akong semester at summer breaks eh. parang pinaka-break (as in break from all those acad stuff and whatnots) ko na yung PAFT sem-enders. :P

random pic na lang from last sem-ender:

Day 4. A photo of the last place you went on a holiday

bago mag-Holy Week na 'tong pic na 'to eh, so I think eto na yung picture dun sa last place we went on a holiday. hahahaha :P the photo's from Mabel, BTW :D

dahil kami nina Celina, Verna, Mabel, Anpy at Kenneth ang naiwan sa venue, dinaan na lang namin sa videoke/photoshoot ang remaining hours namin dun sa venue. in short, sinulit namin yung place haha :P


undecided =))

di ako makaisip ng ilalagay kong picture para sa Day 3, kasi basta kasama ko sa picture yung friends/family/loved-ones ko, happy na ako. at siyempre alangan namang maglagay ako rito ng pictures ng mga crush(es) ko sa UP, mamaya madiscover pa nila 'tong site ko at makitang yung mga mukha nila yung nakalagay sa post na ito. hahahahahahaha =))

pero ayan, after browsing sa Google, nakaisip na ako ng ilalagay na photo para sa Day 3:

Day 3. A photo that makes you happy

HAHAHA!! siyempre yung picture ng ultimate crush ko ang nilagay ko rito :P

wala lang, super crush ko talaga si Champ Lui-Pio eh. haha. almost all my friends knew this fact, and alam din nila kung gaano ako ka-adik sa Hale. :)) nakaka-sad lang kasi they disbanded recently, and Champ will be releasing his solo album na soon. may nabasa pa nga akong article na nagti-take na raw siya ng acting workshops. o di ba?! :)

naalala ko lang yung first time na nakapanood ako ng Hale gig (kasama ko ang isa pang adik sa Hale, si ate Lyn :D). nakakalungkot kasi di ko akalaing last time ko na rin palang makakapanood ng gig nila. grabe lang yung gig na yun, nilayasan namin ni Ate Lyn ang last day sa Challenge Week ng PAFT apps kasi nga talagang planado na naming pupunta kami sa gig nila na yun. That was August 14, 2009 (of course naaalala ko ang date!!! :P), Kundiman album launch. ang shunga ko lang talaga, kasi dahil sa sobrang excitement namin ni Ate Lyn, naiwan ko pala sa tambayan yung 2 books under Reserve section ng CHE lib na hiniram ko for FS 131 saka yung ID ko na bago pa lang that time. at na-realize ko lang na naiwan ko na pala sila nung nasa SM North Edsa na kami ni Ate Lyn. and siyempre, ako si Ms. Panikera, nag-text kina Jache, Rox at Celina (kung hindi ako nagkakamali) kung napansin nila yung mga naiwan ko. mabuti na lang si Chinkee na ang kumuha since mag-meet naman kami para magresearch for Chem 150.1 FR kinabukasan. akala ko pa naman magbabayad pa ako ng wala sa oras para sa lost books :((

at hayan. nung alam ko nang ok na pala ang mga naiwan ko, punta naman kami ni ate Lyn sa entrance ng Sky Dome. but wait, HINDI PALA PWEDENG PUMASOK PAG HINDI BIBILI NG ALBUM NILA. rawr. we were so disappointed :(( grabe, sobrang nalungkot ako para dun. si ate Lyn naman kasi nagdadalawang-isip na bumili ng album nila since medyo mahal pa yata yung benta dun that time, at 10 songs lang yung nasa album. grabe lang talaga, super madali-madali pa kami tapos mauuwi lang pala sa wala.

nung talagang nawalan na kami ng pag-asa ni Ate Lyn, nag-decide na lang kami na umuwi na. dumaan kami sa side ng bilihan ng tix for concert. at may nadiscover kami: PWEDE PA RIN PALANG MAKANOOD NG ALBUM LAUNCH KAPAG BIBILI NG SM GREEN BAG. woohoo! :)) so ayun, pinatulan na namin ni ate Lyn ang pagbili ng green bag para makapanood ng album launch, although sa may bleachers nga lang kami naka-pwesto. :D :D :D

siyempre kami ni ate Lyn, dahil excited nga, di na mahintay yung set hahaha. muntik pa nga kaming ma-interview ng isang reporter from NET-25, but we declined. haha :P at nung isa-isa nang lumalabas ang band members, sheeeez lang talaga! lumalakas ang heart beat ko, as in! and nung si Champ na ang lumabas sa stage, OMG!! hahaha! ANG CUTE-CUTE NIYA! ♥♥♥ *sorry fangirl mood na LOLs*

Grabe lang, kung i-blog ko pa in detail yung gabing yun, sobrang hahaba na 'tong post na 'to haha. but the highlight of that night for me: may physical contact kami kay Champ! *faints* LOLs. nung kumakanta kasi siya ng "Kahit Pa" ata (o "Pitong Araw"? hahaha), umikot siya sa Sky Dome. and super-duper-uber swerte lang namin ni ate Lyn kasi sa front row ng bleachers kami naupo. at habang lumilibot si Champ, nakikipag-shake hands/apir siya sa audience. and naloka lang ako nang mahawakan ko ang kamay niya! *screams*

haha sorry naman, sobrang fangirl na fangirl na talaga ang dating ng entry na ito. hihihi :)

Tuesday, August 10, 2010

sabi na nga ba't magsi-skip ako eh. haha :D

just like what I've expected, may lalaktawan ako sa 30-day photo challenge chuchu eh. haha naman kasi, ang dami-dami ko na ngang deadlines pero nagawa ko pang isingit 'to. :))

Day 2. A photo of yourself a year ago

This photo was taken by Janina last year for the PAFT Week exhibit. may 5 different shots para dito haha :)) at napilitan akong mag-dress para dito! :)) pero ibang shot ang ginamit para sa poster:


saka parang mirror image ata ng shot na ginamit yung nilagay. hehe.

I felt so bading that time! =)) ang naaalala ko nung tini-take ni Janina yung picture(s) ko dito eh nung super-pilit talaga sina Celina na isuot ko yung dress na ginamit ko rito (it's Georgia's, btw :D), to the point na lumabas ako ng CR ng CHE na suot-suot ko na yung dress pero naka-orange rubber shoes ako LOLs :)) at grabe pa makatawa sina Kenneth at Janus that time! (kasi nga ang baduy tingnan, dress + rubber shoes :P) pero kasi naman, di ko naman ine-expect na ibang damit pala ang ipasusuot sa 'kin noh :P and anyway, di naman sinama ang paa sa shot hahaha :))

A week before ng exhibit, napapaparanoid ako dahil makikita ng mga dumadaan sa CHE lobby ang itsura ko, to the point na ang stat message ko sa FB that time eh something like pwede na akong magtago sa oras na pinost na ang mga posters. haha. kasi naman di talaga ako ma-dress na tao, tapos ang girly-girly talaga ng dating ng shot sa 'kin. :P naalala ko pa na super-tawa pa si Chinkee nung opening ng exhibit (pang-asar lang, nasa FS 135 lab kami nun kung hindi ako nagkakamali) dahil ang bading-bading ko nga raw dun, wala kasi siya nung day na ginawa yung photoshoot namin kaya sa exhibit na niya nakita. :P pero Hazel naman made me feel better na maganda nga raw yung shot eh, haha ang girly-girly ko nga tapos natural lang daw talaga na darating ako sa stage na kailangan ko talagang mag-dress, kasi nga I'm a girl. :D

na-realize ko lang na ang maganda pala dito sa photo challenge na 'to, I was able to rekindle some good (and not-so-good) memories. nakakatuwa lang pala talagang balikan. hehe.

Monday, August 9, 2010

TEAM BBFS PHOTOSHOOT! :D

yay! one committee down for the photoshoot haha! :D

ang galing galing ni Janina (PAFT - Alpha's resident photographer haha)!!! natapos niya ang pag-take ng pics sa amin, kahit ang daming aberya (e.g. walang matinong lugar, magandang shot pero walang theme - parang barkada shot lang, ang paggalaw-galaw namin sa pwesto, ang blurred images ni Chinkee sa last shots namin, ang late na si Kenneth hahaha *peace Kanuto! :P*, etc.)!


anyway, these are some of the shots I like:

parang barkada shot lang eh. haha. ok na sana kaso walang theme :(


trial shot lang ni Janina habang wala pa si Mr. President. I find this shot cute haha =))


We looked like USC candidates in this one. and I think ito ang pinakamaayos (aside from the "barkada shot" :P). :D


ibang effect naman XD


same poses. :)


trial muna. pina-compress kami ni Janina hanggang sa mauwi kami sa barkada shot sa itaas :))


yung "long and winding road" concept dapat ang gusto ni Janina dito, kaso di siya nagmukhang nasa long and winding road kami XD


ang ganda ng kuha ni Kirsten dito. FIERCE!!! =)) at ang pet peeve ni Janina kanina, blurred image ni Chinkee. hahaha :))


with the emote-emote churva XD


emoteros and emoteras ulit :P


pagmasdan si Avie :D


photos from Janina's Facebook page :) 

kami na ang umabot sa 101 photos in one album! :)) thanks again to Janina! :D


Sunday, August 8, 2010

30 Days of Photographic Memories

ako na ang batang walang magawa. haha :)


ok, so I'm engaging myself in this "30 Days of Photographic Memories" thing I discovered in Tumblr (taken from www.tooyoungtocare.tumblr.com). And since wala pa akong maisip na matinong maiba-blog (pero mukhang malapit na kasi paparating na ang pressures sa buhay ko hahahaha), eto muna ang ipo-post ko (and siyempre pati sa Tumblr account ko meron din). :)



day 1. your facebook profile photo
day 2. a photo of yourself a year ago
day 3. a photo that makes you happy
day 4. a photo of the last place you went on holiday
day 5. a photo of you
day 6. a photo that makes you laugh
day 7. a photo of someone you love
day 8. a photo of your favourite band/musician
day 9. a photo of your family
day 10. a photo of you as a baby
day 11. a photo of your favourite film(s)
day 12. a photo of you
day 13. a photo of your best friend(s)
day 14. a photo of one of your favourite family members
day 15. a photo of you and someone you love
day 16. a photo of you at the last party you went to
day 17. a drunk photo of you
day 18. a photo of one of your classes
day 19. a photo of you on a school trip
day 20. a photo of something you enjoy doing
day 21. a photo of you standing up
day 22. a photo of your town
day 23. a photo of your friend as a baby
day 24. a photo of you that your hair looks nice in
day 25. a photo of a night you loved
day 26. a photo of your favorite weekend
day 27. a photo of last summer
day 28. a photo of what you ate today
day 29. a photo of someone you find attractive
day 30. a photo of you when you were happy.


kaso baka maging inconsistent ako sa pagpopost haha. baka lumaktaw ako ng ilang days, so hindi lang siya aabutin ng 30 days (naku, susundan ko pa naman 'to ng another 30-day challenge hahahaha)! And sisimulan ko na siya ngayon:



Day 1. Your Facebook profile photo

taken by Ma’am Anna during my OJT days at APDC - BAI. edited using PhotoShop. hahaha :) grilling Chili Chicken Wings and schublig (or beerwurst? haha can’t remember :P) for the food plating thingy :) natuwa ako sa fire effect kaya in-emphasize ko lang siya. naalala ko nun effort pa talaga si Ma'am Anna na picture-an ako habang ginagawa 'to kasi gusto rin niyang ma-capture yung flame. and yes, after unsuccessful attempts, na-picture-an din ang flame hehehe :D masyado kasing mailap ang flame. parang love lang eh. haha. yuck :))