di ako makaisip ng ilalagay kong picture para sa Day 3, kasi basta kasama ko sa picture yung friends/family/loved-ones ko, happy na ako. at siyempre alangan namang maglagay ako rito ng pictures ng mga crush(es) ko sa UP, mamaya madiscover pa nila 'tong site ko at makitang yung mga mukha nila yung nakalagay sa post na ito. hahahahahahaha =))
pero ayan, after browsing sa Google, nakaisip na ako ng ilalagay na photo para sa Day 3:
Day 3. A photo that makes you happy
HAHAHA!! siyempre yung picture ng ultimate crush ko ang nilagay ko rito :P
wala lang, super crush ko talaga si Champ Lui-Pio eh. haha. almost all my friends knew this fact, and alam din nila kung gaano ako ka-adik sa Hale. :)) nakaka-sad lang kasi they disbanded recently, and Champ will be releasing his solo album na soon. may nabasa pa nga akong article na nagti-take na raw siya ng acting workshops. o di ba?! :)
naalala ko lang yung first time na nakapanood ako ng Hale gig (kasama ko ang isa pang adik sa Hale, si ate Lyn :D). nakakalungkot kasi di ko akalaing last time ko na rin palang makakapanood ng gig nila. grabe lang yung gig na yun, nilayasan namin ni Ate Lyn ang last day sa Challenge Week ng PAFT apps kasi nga talagang planado na naming pupunta kami sa gig nila na yun. That was August 14, 2009 (of course naaalala ko ang date!!! :P), Kundiman album launch. ang shunga ko lang talaga, kasi dahil sa sobrang excitement namin ni Ate Lyn, naiwan ko pala sa tambayan yung 2 books under Reserve section ng CHE lib na hiniram ko for FS 131 saka yung ID ko na bago pa lang that time. at na-realize ko lang na naiwan ko na pala sila nung nasa SM North Edsa na kami ni Ate Lyn. and siyempre, ako si Ms. Panikera, nag-text kina Jache, Rox at Celina (kung hindi ako nagkakamali) kung napansin nila yung mga naiwan ko. mabuti na lang si Chinkee na ang kumuha since mag-meet naman kami para magresearch for Chem 150.1 FR kinabukasan. akala ko pa naman magbabayad pa ako ng wala sa oras para sa lost books :((
at hayan. nung alam ko nang ok na pala ang mga naiwan ko, punta naman kami ni ate Lyn sa entrance ng Sky Dome. but wait, HINDI PALA PWEDENG PUMASOK PAG HINDI BIBILI NG ALBUM NILA. rawr. we were so disappointed :(( grabe, sobrang nalungkot ako para dun. si ate Lyn naman kasi nagdadalawang-isip na bumili ng album nila since medyo mahal pa yata yung benta dun that time, at 10 songs lang yung nasa album. grabe lang talaga, super madali-madali pa kami tapos mauuwi lang pala sa wala.
nung talagang nawalan na kami ng pag-asa ni Ate Lyn, nag-decide na lang kami na umuwi na. dumaan kami sa side ng bilihan ng tix for concert. at may nadiscover kami: PWEDE PA RIN PALANG MAKANOOD NG ALBUM LAUNCH KAPAG BIBILI NG SM GREEN BAG. woohoo! :)) so ayun, pinatulan na namin ni ate Lyn ang pagbili ng green bag para makapanood ng album launch, although sa may bleachers nga lang kami naka-pwesto. :D :D :D
siyempre kami ni ate Lyn, dahil excited nga, di na mahintay yung set hahaha. muntik pa nga kaming ma-interview ng isang reporter from NET-25, but we declined. haha :P at nung isa-isa nang lumalabas ang band members, sheeeez lang talaga! lumalakas ang heart beat ko, as in! and nung si Champ na ang lumabas sa stage, OMG!! hahaha! ANG CUTE-CUTE NIYA! ♥♥♥ *sorry fangirl mood na LOLs*
Grabe lang, kung i-blog ko pa in detail yung gabing yun, sobrang hahaba na 'tong post na 'to haha. but the highlight of that night for me: may physical contact kami kay Champ! *faints* LOLs. nung kumakanta kasi siya ng "Kahit Pa" ata (o "Pitong Araw"? hahaha), umikot siya sa Sky Dome. and super-duper-uber swerte lang namin ni ate Lyn kasi sa front row ng bleachers kami naupo. at habang lumilibot si Champ, nakikipag-shake hands/apir siya sa audience. and naloka lang ako nang mahawakan ko ang kamay niya! *screams*
haha sorry naman, sobrang fangirl na fangirl na talaga ang dating ng entry na ito. hihihi :)
No comments:
Post a Comment