Day 2. A photo of yourself a year ago
This photo was taken by Janina last year for the PAFT Week exhibit. may 5 different shots para dito haha :)) at napilitan akong mag-dress para dito! :)) pero ibang shot ang ginamit para sa poster:
saka parang mirror image ata ng shot na ginamit yung nilagay. hehe.
I felt so bading that time! =)) ang naaalala ko nung tini-take ni Janina yung picture(s) ko dito eh nung super-pilit talaga sina Celina na isuot ko yung dress na ginamit ko rito (it's Georgia's, btw :D), to the point na lumabas ako ng CR ng CHE na suot-suot ko na yung dress pero naka-orange rubber shoes ako LOLs :)) at grabe pa makatawa sina Kenneth at Janus that time! (kasi nga ang baduy tingnan, dress + rubber shoes :P) pero kasi naman, di ko naman ine-expect na ibang damit pala ang ipasusuot sa 'kin noh :P and anyway, di naman sinama ang paa sa shot hahaha :))
A week before ng exhibit, napapaparanoid ako dahil makikita ng mga dumadaan sa CHE lobby ang itsura ko, to the point na ang stat message ko sa FB that time eh something like pwede na akong magtago sa oras na pinost na ang mga posters. haha. kasi naman di talaga ako ma-dress na tao, tapos ang girly-girly talaga ng dating ng shot sa 'kin. :P naalala ko pa na super-tawa pa si Chinkee nung opening ng exhibit (pang-asar lang, nasa FS 135 lab kami nun kung hindi ako nagkakamali) dahil ang bading-bading ko nga raw dun, wala kasi siya nung day na ginawa yung photoshoot namin kaya sa exhibit na niya nakita. :P pero Hazel naman made me feel better na maganda nga raw yung shot eh, haha ang girly-girly ko nga tapos natural lang daw talaga na darating ako sa stage na kailangan ko talagang mag-dress, kasi nga I'm a girl. :D
na-realize ko lang na ang maganda pala dito sa photo challenge na 'to, I was able to rekindle some good (and not-so-good) memories. nakakatuwa lang pala talagang balikan. hehe.
No comments:
Post a Comment